Miyerkules, Disyembre 28, 2011

aking krismas 2011

     Simula mg binigay sa akin ang paksa na ito, hindi ko mawari ang aking ilalagay. Paano kasi simula aking pagkabata wala namang nangyayari sa akin tuwing Pasko. Nakatanga lang ako sa bahay, nanunuod ng telebisyon, kakain at wala nang iba pa. Sa relihiyom kong Iglesia Ni Cristo, walang pasko-pasko, walang  noche buena, wala talaga. :)
      Sa burol ng kuya ko ito ginawa. Disyembre 25,2011, ang pinakanakakainis, pinakamalungkot at ayaw kong maulit na Pasko para sa akin. Kung pwede ko lang ibalik ang araw ginawa ko na.  Disyembre 23, 8:00 ng gabi, tumawag ang kuya Felman ko sa akin. Nung umpisa hindi ko pa nga siya nakilala e. Paano kasi  ibang number ng cellphone ang gamit niya. Sabi pa nga niya mukha daw akong baliw dahil hindi ko man lang daw siya nakilala. Nagtaka pa nga ako ako dahil iyon ang kauna-unahang beses niyang tumawag sa akin( lagi kami ang tumatawag sa kaniya :) ). Ayon sa kanya, Disyembre 25 daw ay pupunta siya sa bahay namin at magdadala siya ng regalo. Excited pa nga ako pero iyon na pala ang huling tawag niya sa akin.
       Alas onse ng gabi, Disyembre 23 nasaksak siya leeg at dead on the spot daw ayon sa SOCO. Ang sakit. Ang sakit sakit, ganun pala ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. Ang dami niya pang pangarap, pag-aaralin pa daw niya ako. Biruin mo iyon  sa edad niyang 20 nawala agad siya. Ang bata niya pa e, ang hirap tanggapin.
        Ang nakakainis pa dito, ako pa ang sinisisi ng asawa( mag-asawa ang turingan nila kahit hindi pa sila kasal) niya kung bakit siya namatay. Kung hindi ko daw tinext ang  kuya nung oras na iyon na nailabas na ang tita Maria ko sa ospital, na balak niyang dalawin nung gabing iyon, hindi na sana siya nagtuloy sa christmas party nila kung saan siya namatay. Wala akong maalala na tinext ko ang kuya ko nang ganun. Hindi ko matandaan kung may tinext ako sa kaniya o wala. Hingi ko madepensahan ang sarili ko dahil hindi ko nga naalala ang mga ginawa ko nung gabing iyon, basta ang alam ko tumawag siya at yun lang. Ang hirap nang sitwason no? Tumakas muna ako sa lamay para gumawa ng blog. Iba ang tingin sa akin ng tao. Wala akong kakampi kundi ang pamilya ko at ang mga kamag-anak ko. Gabi-gabi iniisip ko kung  tnext ko nga ba siya o hindi, pero walang nangyayari kundi ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.Nakakainis!!! Wala akong maramdaman kung hindi galit sa aking puso. Sana mapatawad pa ako ng kuya ko at ng pamilya ng asawa niya. Hayys :(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento